burger-nav
Politics

RESULTA NG POLL RESULTS SA MAYORAL RACE NG ANGELES, PAMPANGA: EX-PNP CHIEF ALBAYALDE, NANGUNA

November 04, 2024 10:15 am

Angeles, Pampanga, Pilipinas – Isang bagong public opinion survey na isinagawa noong Oktubre 27-30, 2024, na may 2,000 rehistradong botante na may edad 18 pataas, ang nagbigay ng bagong pananaw tungkol sa pagbabago ng political landscape bago ang 2025 elections. Ang survey, na may margin of error na ± 3%, ay sumukat ng opinyon ng publiko tungkol sa malapit na laban sa mayoral race sa Angeles, Pampanga.


Ang labanan sa pagka-alkalde sa lokalidad ay sa pagitan nina Oscar "Oca" Albayalde at kasalukuyang kongresista Carmelo "Jon" Lazatin II. Ayon sa mga resulta ng survey, nangunguna si Albayalde sa laban, na may 44% laban kay Lazatin na may 39%, habang ang natitirang 17% ng mga respondent ay hindi pa nakakapili.


Ang pagbaba ng suporta ng publiko kay Lazatin ay dulot ng ilang mga isyu, tulad ng usapin ng political dynasty at ang kontrobersya hinggil sa pagpapataw ng dagdag na buwis sa konsumpsyon ng tubig sa lokalidad na ikinagalit ng mga tao. Bukod dito, ang pananabik ng mga tao para sa pagbabago ay nagbibigay kay Albayalde ng kalamangan. Si Albayalde ay isang dating PNP Chief at may magandang background. Ang kanyang karanasan bilang PNP Chief ay tinitingnan ng mga botante bilang isang magandang bagay dahil taglay niya ang talino, disiplina at malasakit upang mahusay na mapamahalaan ang lokalidad at ang mga mamamayan nito.


Ang resulta ng poll na ito ay nagbigay ng isang larawan ng mga pagbabago sa politika sa Angeles, Pampanga habang papalapit ang 2025 elections.



Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.